si Cornell 'kEitaro' Calma ay isang simpleng mamamayan ng bansang Pilipinas, na kasalukuyang nagkukuta sa isang maliit na lungga sa Bulacan. Isa rin siyang nahihiyang estudyante ng talaga--namang--nakakahiyang SMCM at kumukuha ng kursong I.T. Siya rin ay paminsan-minsang tumutugtog sa mga pa-kontes at mga jam/gig kasama ang kanyang bandang "Kuko Ni Badjuju". Si Badjuju ay isang matapang na heneral noong taong sinakop tayo ng mga Hapon at namatay dahil nabato ng palo-palo ng asawa nang makita siyang tumambay sa isang bar sa Makati. Si Keitaro ay isa ring sinungaling na tao, dahil inimbento lang niya an kwentong 'yan. Pero sino nga ba talaga si Keitaro? Kumbaga sa anime na Naruto, siya ang tamad na si Shikamaru at masibang si Choji. Kumbaga sa computer viruses, isa siyang worm na tatakutin lang kayo at pabalik-balik lang na hindi mawala-wala kahit anong gawin, maliban kung may tamang software. Kumbaga sa Shin Chan series, siya si Masao na bagama't mukhang goon, duwag naman. Kumbaga sa The Simpsons TV series, siya ang pinaghalong Homer Simpson at Milhouse Van-Houten, dahil sila ay bobo at abnormal. Kumbaga sa mga genre ng rock, isa siyang Metal dahil sa kinaingay ingay, hindi maintindihan na sinasabi, at boses-ng-isang-daang-halimaw ang kanta, simple lang pala ang gustong sabihin: 'wala lang magawa'. At kumbaga sa kanta, SILING GINILING ang nababagay sa kanya. Dahil ito'y masarap -- mabango -- bagong bago -- maanghang -- matapang, SOBRANG tapang! -- murang mura. Siling Giniling, hot hot! Sino nga ba talaga si Keitaro? Yan ba talagang mga sinabi niyan? Naniniwala ka ba? O may mga angal ka? Kung naniwala ka, alalahanin mo ang sabi ko kanina -- sinungaling din ang taong yan. Hehe :) ![]()
| |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() Kuko Ni Badjuju - Banocover namin ng Bano ng bandang Giniling Festival...astig yan!..hehe
|
| ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||




